Manila, Philippines – Inaasahan ng Phil. National Police na ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Lunes ang matagumpay na kampanya ng PNP kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, isinumite nila sa tanggapan ng pangulo ang isang taong mga accomplishment ng PNP.
Kasama na rito ang kanilang kampanya kontra korapsyon at kanilag isinasagawang internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa ngayon batay sa huling tala ng PNP simula noong July 1 2016 hanggang June 20 2017 umaabot na sa 3,200 na mga drug personalities ang nasawi sa mga anti drugs operation ng PNP.
86, 933 drug personalities naman ang naaresto ng PNP, 1 million, 308 thousand 078 ang mga kusang loob na sumukong drug personalities.
Mula rin july 1, 2016 hanggang june 20 2017 umabot na sa 2,440.60 kilos na shabu ang kanilang nakumpiska na may street value na aabot sa 12.60 billion pesos .
63,926 na mga lehitimong operation na ang ginawa ng PNP simula noong July 1 2016 nang maupo bilang pangulo si Pangulong Rodrigo Duterte.