Matagumpay na vaccination, uunahin ng pamahalaan at isusunod ang pagpapasigla ng turismo – Nograles

Importanteng matiyak ng pamahalaan na magiging matagumpay ang COVID-19 immunization program bago buksan ang turismo ng bansa sa mga dayuhang turista.

Ayon kay IATF Chairperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, “step-by-step” process ang ginagawa ng pamahalaan, kung saan prayoridad ang mabakunahan ang nasa 70 milyong Pilipino ngayong taon.

“As far as tourism is concerned, I think what they’re looking to achieve first is a successful immunization rollout and then after that, then, I think countries will now start talking about opening borders for tourists,” ani Nograles.


Kapag gumanda ang mga datos dahil sa vaccination saka nila pagtutuunan ng pansin ang turismo.

“As far as tourism is concerned, I know it’s also an economic, meaning to say, tourism also has a positive economic effect. But as far as opening borders to tourists are concerned, it’s something that we will discuss once we see a successful immunization rollout,” dagdag pa ni Nograles.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay handang tumanggap ng foreign investors dahil kailangang buhayin ang ekonomiya.

Sa datos ng Department of Tourism (DOT), bumagsak ng 83.97% ang tourist arrivals sa bansa dahil sa pandemya.

Facebook Comments