Israel – Matagumpay at naging prudoktibo ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.
Matapos kasi ang maraming pulong at aktibidad ay nakapagsara ang Pamahalaan ng 3 memorandum of Agreements, 11 memorandum of Understanding at 7 Letter of intent na tinatayang aabot sa halos 83 million dollars ang halaga.
Inaasahan din naman na aabot sa 790 na job opportunities ang magbubukas bilang resulta ng mga nabuong kasunduan.
Matatandaan na dumalo si Pangulong Duterte sa isang Business Forum na dinaluhan ng mga negosyante dito sa Israel kung saan tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga ito na wala silang dapat ipangamba sa pagnenegosyo sa bansa at hind makakaranas ang mga ito ng harassment at katiwalain at sakali naman aniyang mayroon ay bukas ang kanyang pintuan para sa mga sumbong.