Matandang Babae, Huli sa CCTV ng HyperMarket na Nagnakaw!

Cauayan City, Isabela – Nakita sa CCTV at napansin ng civilian guard sa
isang hypermarket sa San Fermin Cauayan City ang matandang babae na
nagnakaw ng ilang dry goods kahapon sa oras na 9:25 ng umaga, March 20,2018.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Cauayan City, kinilala ang matanda na si
Clarita Edillo Domingo, 54 anyos, may asawa, isang negosyante at residente
ng Purok 1, Dadap Luna, Cauayan City kung saan inireklamo sya nina
Ferdinand Angoluan, Senior Supervisor ng Hypermarket, Richard Mark Peralta,
CCTV Operator at Fredie Gatan ang civilian guard.

Batay sa kuha ng CCTV, inilagay ni Domingo sa kanyang shoulder bag ang
pitong piraso ng GSM (Bilog) sa halagang Php 276.15; isang pack ng sabon
sa halagang Php 291.50; isang pack Judge candy sa halagang Php 15.25; isang
pack mentol candy Php 29.50; isang pack ng Max candy Php 31.10 sa kabuuang
halaga na Php 643.50


Sa una hindi umamin ang matanda nang sitahin ito ng guwardiya ngunit nang
tingnan ang loob ng kaniyang shoulder bag ay naging positibo ang
pagnanakaw lalo na nung nireview ang CCTV.

Dahil dito inaresto si Domingo at dinala sa PNP Cauayan para sa tamang
disposisyon.

Facebook Comments