Matandang Nanghalay sa Isang Bata, Sinampahan Na!

36

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong Statutory Rape ang isang matandang lalaki matapos isailalim sa Inquest Proceedings kahapon dahil sa panggagahasa nito sa isang menor de edad sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relations Officer ng PNP Cauayan City.

Ayon pa kay PSI Galiza, may isang concerned citizen umano ang nagsumbong sa live in partner ng suspek na hila-hila nito ang bata palabas ng Poblacion kaya’t agad na tinuntun ng live-in partner ng suspek ang posibleng pupuntahan ng suspek hanggang sa makarinig ng iyak ng bata sa lampas ng tulay at dito naaktuhan ang panghahalay ng suspek sa bata.

Agad umanong sumaklolo ang live-in partner ng suspek habang kumaripas naman sa takbo ang suspek kahit hubo’t hubad ito at agad namang dinala ng live-in partner ng suspek ang bata sa himpilan ng pulisya kasama ang guardian ng biktima.

Dahil dito ay agad na nagsagawa ng pagtugis ang kapulisan na nagresulta sa pagkakadakip ng matandang lalaking suspek na ngayon ay mapapatawan na ng kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments