Matandang takot sa eroplano, pinakalma at inalagaan ng flight attendant

1673
Photos from IG/Armaini Imay

PALANGKARAYA, INDONESIA – Pumukaw ng atensyon sa mga netizen ang video ng isang flight attendant na pinapakalma ang isang natatarantang lola.

Kuwento ng uploader, biglang nag-hysterical ang 117-anyos na babae matapos humimpapawid ang sinasakyang eroplano.


Sa sobrang takot umano ng pasahero, nagmamakaawa siya sa mga kapwa-pasahero na ibaba na lamang siya at ayaw na magsuot pa ng seatbelt.

Dito na lumapit ang lalaking flight stewardess ng Lion Air Indonesia at sinusubukang pakalmahin ang matandang babae.

Sa viral video, mahinahon siyang kinakausap ng cabin crew at saka sinusubuan pa ng pagkain habang nakangiti.

“I was amazed with this flight attendant’s dedication when attending to this 117-year-old lady. She refused to buckle up even when the flight had already taken off, and she kept on requesting to get off the plane. With compassion, he fed her food and drinks gently as if he was treating his own parents, which in the end led to the grandma willingly fastening her seatbelt. So cool!” post ng netizen na isinalin sa wikang Ingles.

Umani ng mahigit 100,000 views at papuri mula sa publiko ang kabaitang ipinamalas ng flight attendant.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers