Mga apektado ng bagyong Ramon umabot na mahigit 12 libong indibidwal

80

Sumampa na sa 3,309 pamilya o katumbas ng 12,060 indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ramon sa 184 brgy sa Region 2, Region 5 at CAR.

 

Batay ito sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction And Management Council o NDRRMC.


 

Sa bilang ng mga naapektuhan 1,956 families ay nananatili pa rin sa 119 na mga evacuation centers at 304 families ay nakikitira sa kanilang mga kaibigan at mga kaanak.

 

Nagpapatuloy rin ang ayuda ng DSWD at local gov’t unit sa mga naapektuhan ng bagyong Ramon.

 

Sa huling ulat ng NDRRMC umaabot na sa mahigit 882 thousand pesos na mga family food packs ang naitulong sa mga apektadong pamilya.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers