Matapang na pananalita ni Pangulong Duterte laban sa pag-angkin ng China sa ating teritoryo, mainam na maibalik

Umaasa si Senator Manny Pacquiao na muli niyang maririnig ang matapang na mga mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pag-angkin ng China sa ating teritoryo.

Inihalimbawa ni Pacquiao ang pahayag ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya na mag-je-jetski ito patungong West Philippine Sea (WPS) para itayo ang watawat ng Pilipinas.

Sabi ni Pacquiao, hindi naman kailangang literal na mag-jetski patungong West Philippine Sea ang Pangulo, ang kailangan lang ay igiit nito na respetuhin ng China ang ating mga karapatan at igalang ang pagmamay-ari natin sa West Philippine Sea.


Ayon kay Paquiao, ngayon kasi ay nakakapanghina ang mga pahayag ng Pangulo Duterte na hindi kayang makipag-gyera ng Pilipinas sa China na ating kaibigan at pinagkakautangan ng COVID-19 vaccine.

Paliwanag ni Pacquiao, kapag nagiging malambot ang salita ng Pangulo ay nawawalan din ng lakas ng loob ang sambayanang Pilipino.

Facebook Comments