Ilang bahagi ng Muntinlupa at Las Piñas City, makakaranas ng mahina hanggang sa kawalan ng suplay ng tubig

21

Inihayag ng Maynilad na aabutin ng hanggang walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Muntinlupa City at Las Piñas City.

Sa abiso ng Maynilad, simula ala-1:00 kaninang hapon hanggang alas-8:00 ng gabi ay makakaranas ng mahina hanggang sa kawalan ng suplay ang Barangay Tatalon Dos sa Muntinlupa at mga Barangay ng Alabang, Bayanan, Poblacion, Potatan at Tunasan.


Paliwanag ng Maynilad, ito ay dahil sa mahinang pressure o pagpasok ng raw water quality mula sa Laguna Lake patungong Water Treatment Plant 2.

Gumagawa na ng system adjustment ang kompanya para tugunan ang problemang ito.

Tinitiyak naman ng Maynilad na kanilang ibabalik sa normal ang suplay ng tubig sakaling maisaayos na ang water pressure na kumukuha ng tubig sa Laguna de Bay.

Facebook Comments