Matapos ang doping ban, Kiefer Ravena nagsimula na sa training para sa Gilas Pilipinas

50

Opisyal nang nagsimula sa pag-eensayo para sa Gilas Pilipinas si Kiefer Ravena.

Ayon kay Ravena, hindi na siya makapaghintay at excited na siya sa kaniyang PBA return at masaya rin siya na makapaglaro sa Gilas Pilipinas.


Nagpasalamat rin si Ravena sa kaniyang pamilya at sa mga taong malalapit sa kanya upang makapagpatuloy pa sa paglalaro lalo’t muli siyang napabilang sa national team.

Matatandaang sinuspinde ang basketbolista noong nakaraang taon dahil sa doping.

Kasabay nito, nangako si Ravena na magiging disiplinado na siya sa paglalaro.

Samantala kumpiyansa naman si Gilas Head Coach Yeng Guiao na ilagay sa spot ni Jayson Castro si Ravena dahil nakikita niyang handa na ito sa Fiba World Cup Asian Qualifiers na magaganap sa Septyembre sa China.

Facebook Comments

From Advertisers