Richard Gomez at Lucy Torres nagbabalak magkaroon ng baby sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization

479

Balak ng mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres na magkaroon ng panibagong baby sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization (IVF).

Ang IVF ay isang complex method kung saan mangyayari ang fertilization ng egg cell at sperm cell sa laboratoryo.


Ayon kay Richard, nais nilang bigyan ng kapatid si Juliana na dadaan sa siyentipikong proseso.

Nagdadalawang-isip daw kasi silang mag-asawa na kumuha ng surrogate mother dahil may posibilidad na manahin ng bata ang traits nito.

Sa edad raw kasi ni Lucy na 44, mahihirapan na itong magkaanak kung dadaan sa natural method.

Sa huli, sinabi na lang ng mag-asawa na ipagsasa-dios na lang nila ang lahat.

Facebook Comments

From Advertisers