Matapos ang tatlong buwan, New Zealand muling nakapagtala ng isang nasawi dahil sa COVID-19

177

Matapos ang tatlong buwan, muling nakapagtala ang New Zealand ng nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ay 50 anyos na lalaki na nasawi sa Middlemore Hospital matapos ma-admit dahil sa komplikasyon sa COVID-19.

Ayon sa ulat, ito pinakabatang namatay sa New Zealand at kauna-unahang nasawi sa Auckland Cluster.

Dahil dito, sumampa na sa 23 ang nasawi sa nasabing bansa dahil sa COVID-19 kung saan higit 1,700 ang kumpirmadong kaso.

Facebook Comments