Cardiac arrest, ikinamatay ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo Parojinog ayon sa PNP

132

Inihayag ni Misamis Occidental Provincial Director Police Col. Danildo Tumanda na cardiac arrest ang ikinamatay ni dating Ozamiz Councilor Ricardo Parojinog.

Aniya, batay sa initial findings ng mga medical personnel ng Ozamiz City Health Office na unang rumesponde sa detention cell ng Ozamiz Police Station kaninang umaga, nasawi raw ang dating konsehal dahil sa Cardiopulmonary Arrest Secondary to Cardiovascular Disease.


Sinabi ni Col. Tumanda, alas-6:00 kaninang umaga nang makita ng cell guard on duty si Ricardo Parojinog na hindi na gumagalaw kaya agad na tumawag ng ambulansya.

Sa ngayon, ayon kay Tumanda, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

Matatandaang kahapon ay dumating sa Ozamiz City Police Station si Parojinog para sa pagdinig ng kanyang kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments