Handa na ang aktres na si Alice Dixson na ilahad ang tunay na nangyari sa kanya kaugnay sa istorya ng ‘taong ahas’ sa fitting room ng isang mall, tatlong dekada na ang nakararaan.
Sa kanyang Instagram, nilinaw ng aktres na hindi niya gustong buhayin ang chismis at nais lang niyang tuparin ang ipinangako sa isang kaibigan na ilalahad ang kanyang bersyon.
Say ni Alice, sa tingin niya ay ito na ang panahon para marinig ang kanyang side.
At para sa mga interesado na malaman ang kanyang kwento kahit matagal na ang nakararaan, ito ay kanyang ilalahad sa kanyang vlog.
Usap-usapan noon na isang mutant snake ang naka-abang sa fitting room ng Robinsons Mall kung saan na-encounter ito ng aktres.
Matapos na makaligtas ay binayaran si Alice para manahimik sa umano’y nakitang taong ahas na twin brother ni Robina Gokongwei, ang anak na babae ng may-ari ng mall.