Matapos ang tatlong sunod-sunod na talo, Cleveland Cavaliers – mas dodoblehin ang paghahanda sa game 4

Manila, Philippines – Mas dobleng paghahanda ang inaasahang gagawin ng Cleveland Cavaliers matapos ang tatlong sunod-sunod na talo nito sa best-of-seven NBA finals kontra Golden State Warriors.

Kanina nga nang pataubin ng Warriors sa game 3 ang Cleveland sa score na 118-113.

Ayon kay Lebron James, ang katatapos lang na game 3 ang pinakamahirap na laro niya sa kanyang NBA career.


Aniya, ginawa niya ang lahat para maipanalo ang laro pero aminadong mas doble ang husay at depensang ipinakita ng warriors lalo na nina Stephen Curry at Kevin Durant.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Warriors para tuluyang masungkit ang kampeonato.
DZXL558

Facebook Comments