Neri Naig – bumuwelta sa kanyang mga basher

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng Star Circle Quest alumna na si Neri Naig ang pamba-bash sa kanya ng ilang netizens kasunod ng kanyang Instagram post.

Noong linggo, nag-post si Neri ng short video ng pagkanta niya ng “wind beneath my wings” habang naglilinis.

Puna ng isang netizen, masyado na raw papansin si Neri.


Sagot naman ng dating aktres, kung talagang matapang ang nasabing basher, huwag dapat aniya itong gumawa ng dummy account.

Samantala, kaninang umaga lang nang i-bash ulit si Neri ng isa pang netizen kung saan sinabihan ito na baka palitan na siya ng kanyang asawang si Chito Miranda dahil nawala na raw ang dati nitong ganda.

Say naman ni Neri, matagal na siyang hindi maganda pero sa kabila nito ay minahal pa rin siya ng kanyang asawa.

Dagdag pa ni Neri, wala naman naglilinis ng bahay nang naka-make up o nakaayos.
DZXL558

Facebook Comments