Matapos aprubahan ng DOH, saliva RT-PCR testing sisimulan na ng PRC

Photo Courtesy: Philippine Red Cross Facebook Page

Handa na ang Philippine Red Cross (PRC) na simulan sa bansa ang saliva RT-PCR testing matapos makumpleto at maipasa ang lahat ng kinakailangang requirements nito.

Kasunod na rin ito ng pagpayag ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng saliva o laway bilang pamalit sa specimen sa COVID-19 tests.

Sa isang liham na ipinadala ni Health Sec. Francisco Duque III kay PRC Chairman & CEO Senator Richard Gordon, nakasaad dito ang pagbibigay-pugay sa PRC dahil sa mabilis na pilot implementation ng testing.


Nakasaad din sa liham ang patuloy na suporta ng DOH sa ahensiya, dahil sa paggawa nito ng paraan upang mas lalo pang mapag-aralan ang virus, at patuloy na maprotektahan ang mga Pilipino sa posibleng pagkahawa sa sakit.

Sa ngayon, nakausap na ng PRC ang DOH at Food and Drug Administration (FDA) para sa approval ng saliva test.

Facebook Comments