Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng National Housing Authority (NHA) na dadaan muna sa profiling at validation, bago maibigay sa grupong kadamay ang mga bahay na kanilang inokupa sa Pandi, Bulacan.
Sa interview ng RMN kay NHA Spokesman Elsie Trinidad – sinabi nito na iisa-isahin muna nila ang mga miyembro ng kadamay para malaman nila kung sila nga ba ay karapat-dapat na mabigyan ng pabahay.
Kasunod na rin ito ng pagpapaliban ng pagpapatupad ng eviction notice.
Mula pa noong Marso 8, ay mayroong 5,000 pamilya na miyembro ng kadamay ang umukopa ng pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan na karamihan ay nakalaan sa mga miyembro ng PNP at AFP.
Ayon kay Trinidad – aalamin din ng nha kung interesado pa sa housing program ng ilang miyembro ng PNP at AFP na nabigyan na ng bahay, upang mai-award naman sa iba pang aplikante.
Ikinatuwa naman ng mga miyembro ng KADAMAY ang naturang hakbang dahil sa nakikita nila na nasosolusyunan na ang problema ng mga pabahay sa bansa.
Facebook Comments