Matapos ma-veto ang P95.3 Billion na isiningit na pondo kamara, nanindigang naging transparent sa mga inamyendahan sa 2019 budget

Pinanindigan ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., na naging transparent sila sa mga amendments na ginawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang reaksyon ay kasunod ng pagpirma ni Pangulong Duterte sa 2019 national budget at pag-veto sa P95.3 Billion na unprogrammed funds sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Giit ni Andaya, naging transparent ang Kamara sa mga inamyendahan sa pambansang pondo partikular ang mga itemized at mga realignments na ginawa sa 2019 budget.


Aniya, ang Senado ang tahimik lamang sa kung anong mga pagbabago na ginawa sa budget na hindi nalalaman ng publiko.

Nagtataka din si Andaya sa tila ‘celebratory mood’ ng Senado na sa halip na Biyernes Santo ay Pasko sa Mataas na Kapulungan matapos ang pagkakaalis sa amyenda ng Kamara.

Hinamon nito ang Senado na isiwalat ng mga Senador kung magkano ang kanilang mga isiningit sa budget para sa public transparency.

Facebook Comments