Matapos makapagtala ng mababang kaso ng COVID-19 noong nakaraang taon, COVID-19 cases ng Caloocan City, muling tumaas

Muling tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Caloocan.

Sa interview ng programang Kwentong Barbero at iba pa sa RMN Manila, kinumpirma ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na noong nakaraang Oktubre at Nobyembre ay bumaba na ang kaso ng sakit sa nasabing lungsod pero ngayon ay umakyat na sa 200 ang naitalang kaso ng COVID-19.

Kasabay nito, mahigpit pa rin ipinatutupad ng Caloocan-LGU ang safety and health protocols kontra COVID-19 at palaging pagpapa-alala sa mga residente kaugnay sa paglaban ng naturang sakit.


Sinabi rin ng alkalde, kahit sumipa muli ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod ay wala pa rin isinailalim na barangay sa lockdown.

Inamin din ni Mayor Oca na malaki na rin ang nailalabas ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na pondo upang makapagbigay ng mga ayuda sa kanilang residente.

Sa huli, sinabi ni Mayor Oca na “manageable” ang paglaban at pagtugon nila sa krisis sa kanilang lungsod dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments