Proposal na wage subsidy para sa mga manggagawa, naisumite na ng DOLE sa DBM

93

Naibigay na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Budget and Management (DBM) ang proposal para sa pagbibigay ng wage subsidy sa mga manggagawa at establisyimento na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, kasama sa mga isinusulong nila ang pagkakaroon ng tatlong ‘sources of funds’ para sa programa.


Tinatayang 1.6 million workers at 30,000 establishments ang makikinabang sa nasabing subsidiya.

Facebook Comments