Matapos Payagang Makapagpyansa – Janet Lim Napoles, Hindi Pa Makakalabas Ng Kulungan

6

MANILA – Kahit pinayagan ng sandiganbayan na makapagpyansa, hindi parin makakalabas ng kulungan ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.Ito’y dahil nahatulan siya ng tatlumpung taong pagkakakulong sa kasong serious illegal detention.Ibinasura rin ng Sandiganbayan ang bail petition ni Napoles sa plunder case nina Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce-Enrile.Una rito, pinayagang makapag-piyansa ng Sandiganbayan fourth division sina Masbate Gov. Rizalina Seachon-Lañete, dating Apec Partylist Rep. Edgardo Valdez at Napoles kaugnay sa kasong plunder.Ayon sa Anti-Graft court, mahina ang mga ebidensyang naipresinta ng prosekusyon para sa mga akusado.

Facebook Comments