Makikipagpulong sa Marso 8 ang ilang transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang i-apela muli na ibalik sa sampung piso ang minimum fare sa jeepney.
Ito ay matapos sinopla ng LTFRB ang hirit nilang dagdag pasahe dahil sa sunud-sunod na linggong pagtaas ng produktong petrolyo.
Sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin sa panayam ng RMN Manila na malaking tulong na ang dagdag piso sa pasahe para sa mga tsuper.
Samantala, iginiit ni Martin na hindi sasapat ang “pantawid pasada” cash aid ng Department of Transportation (DOTr) upang maibsan ang mataas ng presyo ng produktong petrolyo.
Aniya, hindi naman lahat ng operator at driver ng pampublikong sasakyan ay nakatanggap ng naturang subsidy na nagkakahalaga ng 7,200 pesos.