Matapos tumulak ang 1st batch ng beneficiaries ng BP2 program; DOH, naghahanda na rin sa pagproseso sa iba pang clearance ng mga kwalipikado

Naghahanda na rin ang Department of Health (DOH) sa pagproseso sa health clearances ng beneficiaries ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program.

Ito ay matapos na tumulak na patungong Leyte ang 111 beneficiaries o ang unang batch na binubuo ng 85 na mga pamilya na karamihan ay heads ng pamilya.

Sila ay bahagi ng 3,371 identified na mga aplikante na nagpahayag ng pagnanais na makabalik na sa iba’t ibang bayan sa Leyte para makapagsimula ng panibagong buhay.


Noong May 6, 2020, lumagda ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 114, para sa pagtatag ng inter-agency council na bubuo ng mga polisiya at programa para sa pagpapatupad ng BP2 kung saan proponent nito si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

Aniya, layon ng programa na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino lalo na’t may nagaganap na health crisis ang bansa dulot ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak na tumama sa buong mundo.

Ang DOH din ang nagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga beneficiaries bago sila pauwiin sa mga lalawigan.

Tiniyak naman ni Go na mahigpit na masusunod ang health protocols sa kada roll out.

Facebook Comments