Matataas na Armas at Pampasabog ng mga NPA, Narekober ng Militar sa Aurora!

65

*Cauayan City, Isabela- *Nakumpiska ng 7th Infantry Kaugnay Division ang mga matataas na armas mula sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) makaraang maka-engkwentro ng 91st Infantry Battalion ng 7th ID sa lalawigan ng Aurora.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col Eugenio Julio Osias IV, ang tagapagsalita ng 7th ID, Philippine Army, dalawang body counts ang naitala sa panig ng NPA at may nakumpiskang dalawang matataas na armas kabilang ang M203, mga bala at gamit ng mga NPA.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng follow-up operation ang kasundaluhan sa tulong ng kanilang mga narekober na dokumento ng mga rebelde kung saan nakuha sa tatlong magkakahiwalay na lugar ang tatlong M16, mga radio equipments, labingdalawang improvised explosive devices, mga bala at mga paraphernalias rin ng mga NPA.

Aniya, malaki ang magiging perwisyo sa mga mamamayan ang mga ginagawang improvised na pampasabog ng mga NPA dahil anumang oras ay maaari umano itong sumabog.

Samantala, Naniniwala naman si Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV na kung malalapatan umano ang mga hinaing ng mga rebelde ay posibleng bababa at susuko na ang mga ito.

Dahil dito ay mas lalo pa umano nilang tinututukan ang pagpapasuko sa mga rebelde kung saan nasa siyam na umanong NPA ngayon ang sumuko sa kanilang nasasakupan.

Hindi rin kasi umano sila natutuwa ang militar kung may mga naitatalang casualty sa mga nagaganap na sagupaan sa pagitan ng militar at NPA kaya’t aniya, idaan na lamang umano sa magandang pag-uusap sa pamamagitan ng localized peacetalks ng pamahalaan upang hindi na umano humantong sa patayan.

Facebook Comments