MULING IPATUTUPAD | Adjusted mall hours, ipatutupad muli ng MMDA ngayong ber months

Manila, Philippines – Tulad ng mga nakaraang taon, muling magpapatupad ng adjusted mall hours ang mmda para maibsan ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong ber months.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – balak nilang atasan ang mga mall owner na magbukas nang mas late pa sa alas 10:00 ng umaga.

Malaki kasi aniya ang mababawas sa mga buma-biyaheng motorista kung mas late magbubukas ang mga mall lalo na tuwing weekend.


Bukod sa adjusted mall hours, mahigpit ding ipatutupad ng MMDA ang multa sa mga illegaly parked vehicles lalo na sa 17 mabuhay lanes sa Metro Manila.

Umaasa silang maipapataw na sa lalong madaling panahon ang pinataas na multa na P1,000 mula sa dating P200.

Facebook Comments