MATATAAS NA HEAT INDICES SA KABILA NG EPEKTO NG HANGINGAMIHAN, NAITATALA SA PANGASINAN

Muling nakapagtatala ang PAGASA Dagupan ng mga matataas na heat indices partikular ngayong buwan ng Oktubre na naglalaro sa 38 hanggang 49 degree Celsius.
Kahapon lamang, araw ng Huwebes, Oct 24, bandang alas dos ng hapon, umabot ang naitalang heat index sa 44 degree Celsius at itinuturing na nasa Danger Category.
Sa kabila ng pagpasok ng Northeast Monsoon, ang Amihan o taglamig na panahon sa bansa at ang nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan, asahan pa rin umano ang maalinsangang init ng panahon bunsod ng El Nino Phenomenon na nagdudulot ng mga dry spells at tagtuyot.

Pinaalalahanan ang publiko sa mga maaaring epekto ng nararanasang tag-init. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments