Matataas na kalibre ng baril isinuko sa militar

44 loose firearms ang iti-nurn-over ng mga residente ng Bayang, Lanao del Sur at mga kalapit bayan nito sa tropa ng 55th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay 103rd Brigade Commander Col. Jose Maria Cuerpo II, ang pinagsamang mga pagsisikap at pinaigting na kolaborasyon ng tropa, mga komunidad, local chief executives, at iba pang stakeholders ang dahilan ng naturang accomplishment.
Kabilang sa mga isinukong loose firearms ay 27 Caliber 45, Garand, M653 bushmaster, dalawang M79, dalawang M203 tube, dalawang homemade uzi, limang Caliber 38 revolver, 380 pistol, 9mm pistol, M16 rifle at 50 caliber sniper rifle.
Sinabi naman ni 55th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ian Ignes na bahagi ito ng kanilang kampanya laban sa naglipanang loose firearms, sa pamamagitan anya nito ay mararamdaman ng publiko na ligtas sila.
WESTMINCOM PIC

Facebook Comments