Matataas na opisyal ng DENR, magbabantay na sa dolomite beach kada araw

Nagtalaga na ng mga matataas na opisyal ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magbabantay sa aktibidad ng publiko sa dolomite beach sa Manila Bay.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, kabilang sa mga ilalagay kada araw ay ang mga duty officer na ang ranggo ay hangang undersecretary.

Habang tiniyak din ng opisyal na inaayos na nila ang sistema sa pagbubukas ng dolomite beach upang hindi maging COVID-19 super spreader.


Sa ngayon, nanindigan si Antiporda na walang balak ang gobyerno na isara ang dolomite beach dahil hindi ito patas sa mga Pilipino lalo’t ginastusan ng pamahalaan.

Tuwing Biyernes isasarado ang dolomite beach bilang pagbibigay-daan sa maintenance work.

Facebook Comments