MANILA – Naghain ng reklamo ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa Philrem Service Corporation sa Department of Justice na may kaugnayan sa $81-Million na ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank.Naghain ang AMLC ng joint complaint affidavit laban kina Salud Bautista, Michael Bautista at Anthony Pelejo dahil sa paglabag sa Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Act of 2001.Sa 17 pahinang complaint affidavit ng AMLC, ang kaso ng ilegal na paglilipat ng $81 Million Bangladeshi funds sa RCBC.Ayon sa AMLC, nakipag-kumtsaba ang philrem para linisin at walang maiwang ebidenysa sa naturang nakaw na pera.Una nang kinasuhan ng AMLC si RCBC Jupiter Branch Manager Maia Deguito at mga negosyanteng sina kim wong at weikang xu na mga respondents sa kaso.Bukod rito, nahaharap din ang Philrem sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil nabuking na hindi sila rehistradong remittance company.
Matataas Na Opisyal Ng Remittance Company Na Philrem, Sinampahan Ng Paglabag Sa Money Laundering
Facebook Comments