Manila, Philippines – Muling hinamon ng Malacañang ang matataas na opisyal ng United Nations na magpunta sa Pilipinas.
Kasunod ito ng panibagong pahayag ni U.N. High Commissioner For Human Rights Zeid Ra-Ad Al-Hussein na sinusuportahan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang torture at extrajudicial killings sa bansa.
Giit ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar – malaya ang U.N. official na magpahayag ng saloobin pero mas makabubuti kung pupunta mismo siya sa bansa para makita kung talaga nga bang sinusuportahan ng Pangulo ng ejk.
Matatandaang una nang inimbitahang bumisita sa bansa si U.N. special rapporteur Agnes Callamard para mag-imbestiga sa sinasabi nitong ejk kaugnay ng war on drugs ng Pangulo.
Bukod kay Duterte, kabilang rin sa kinokondena ngayon ng U.N. si US President Donald Trump.