PNP Zamboanga Del Sur pinabulaanan ang umiikot na mga text messages na banta sa lalawigan

177

Pagadian City—-Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) Zamboanag del Sur ang kumakalat na text messages na may mga gawing pag-atake ang mga armadong grupo sa mga eskwelahan at mall sa lungsod ng Pagadian.
Nakiusap ang mga awtoridad na tigilan na ang pagkakalat ng mga ganitong impormasyon na nagdudulot lamang ng dagdag na pangamba at walang kasiguraduhan kung totoo. Sinabi naman ni Provincial Director Pssupt. Alaan Nazzaro na handa silang rerespondi sa anumang banta.
Gayunman, naglatag na ng karagdagang mga checkpoint sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan bilang bahagi ng mas pinaigting na seguridad laban sa banta ng terorismo kung saan may mga pnp personnel ang makikita sa bawat kalye sa lungsod.

Facebook Comments