Matataas na security officials, tumanggap ng donasyong 20,000 test kits at 200,000 masks mula sa isang pribadong grupo

Tinanggap ng mga matataas security officials ng bansa ang 20,000 test kits at 200,000 masks mula sa Oriental group kahapon sa tanggapan ng Department of National Defense (DND).

Mismong pinangunahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtanggap ng mga donasyon mula kay Mr. Kim Wong ng Oriental Group.

Sinabi ni Esperon na ang mga donasyong test kits ay makakatulong sa Pilipinong babalik na bansa na mapabilis ang kanilang 14-day quarantine period dahil agad matutukoy kung sila ay negatibo o positive sa COVID-19.


Bukod sa mga ipinamigay na ng Oriental group nangako pa sila na magdo-donate ng karagdagang 25,000 rapid tests kits para sa mga inbound seafarers at mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nagpasalamat naman ang mga security officials sa mga donasyong ito na malaki, aniya, ang maitutulong para labanan ang pagkalat ng COVID-19 at maibalik na sa normal ang buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments