Matatag na Agriculture Information System, hiniling ng isang senador para sa pagpapalakas ng agriculture sector

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa gobyerno na magkaroon ng matatag na Agriculture Information System (AIS).

Naniniwala si Gatchalian na mahigpit na ang pangangailangan para sa mas pinalakas na AIS para sa pagpapataas ng productivity ng mga magsasaka at titiyak sa sapat na suplay ng pagkain sa kabila ng mga bagyo.

Para sa senador, ang madalas na bagyo ay dapat mag-udyok sa pamahalaan na magpatibay ng AIS na makakatulong para maiwasan ang anumang artificial shortage na makakaapekto sa presyo.


Giit ni Gatchalian, kailangang masuportahan ang ating mga kababayan hindi lang sa short at medium term kundi ang pagbibigay rin ng pangmatagalang suporta.

Umaasa ang mambabatas na sa paglikha ng AIS ay mas magiging organisado ang kabuhayan ng mga magsasaka at ang problema ng kagutuman sa bansa ay mareresolba.

Facebook Comments