MATATAG NA RELASYON | Pakikipagpulong ng matataas na opisyal ng pamahalaan sa US Pacific Command, nagpapakita na nananatiling matatag ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika – Palasyo

Manila, Philippines – Walang nakikitang masama ang Palasyo kung nagkaroon man ng pakikipag-pulong ang ilang matataas na lider ng bansa sa katatapos lang na US Asia Pacific Command.

Sa katunayan ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, senyales ito na hindi tumatalikod ang Pilipinas sa pakikipag-kaibigan nito sa Amerika.

Sa gitna aniya ng paninindigan ng bansa hinggil sa independent foreign policy, nananatili namang traditional ally ang Pilipinas ng Estados Unidos. At patuloy ding binibigyang halaga ng Pilipinas ang security cooperation.


Kabilang sa opisyal ng pamahalaan na nakipag-pulong sa US Pacific Command ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG OIC-Secretary Eduardo Año, Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, at Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin Jr.

Facebook Comments