Nasa kabuuang 81,630 na mga bagong classrooms sa buong bansa ang tatapusing itayo ng Department of Education sa 2019.
Ito ayon kay DepEd Administrative Service Undersecretary Alain Pascua, ay kahit pa malaki ang tapyas sa budget ng Department of Education sa para sa 2019.
Mula sa 2019 propose budget na nagkakahalaga ng 732.28 billion pesos, nasa 528.8 billion pesos lamang ang inaprubahang pondo para sa Edukasyon.
Base sa datos ng DepEd, 60,149 classrooms ay kasalukuyan na ngayong tinatapos; 12,059 sumasailalim sa procurement; 7,052 naman ang sasailalim pa lamang sa procurement; habang ang 2,369 classrooms ay nasimulan nasa Mula Hulyo hanggang Agosto ngayon taon.
Ayon kay Pascua, bahagi ito ng commitment na DepEd na maibigay sa mga magaaral ang mga basic education inputs.
Kaugnay nito, simula July 2016 hanggang June 2018, nasa 22,133 classrooms ang natapos ng ipatayo ng pamahalaan.