MATATAPOS NA | Bagong Bohol Airport malapit ng matapos – DOTr

Nuventa porsiento nang kumpleto ang bagong Bohol Airport ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr).

Ang airport ay dinisenyo na maging unang eco-airport ng bansa na tinawag bilang “Green Gateway to the World”, ay ginamitan ng environment-friendly at sustainable structures.

Magkakabit din ng mga solar panel sa bubong ng Passenger Terminal Building upang masakop o mapunan nito 1/3 ng enerhiya na kinakailangan ng airport.


Ang bagong Bohol Airport ay kayang mag accommodate ng dalawang million pasahero oras na magbukas ito ngayon taon, higit doble ng 800,000 pasaherong kapasidad ng Tagbilaran Airport.

Facebook Comments