MATATAPOS NA | Gun ban na pinatutupad ng COMELEC, hanggang ngayong araw na lang

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hanggang ngayong araw na lamang ang bisa ng pinaiiral na gun ban.

Nagpatupad ng gun ban sa buong bansa ang COMELEC dahil sa idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sa panahon ng election gun ban, suspendido ang permit to carry firearms outside of residence sa lahat ng ordinary citizen, maliban na lamang kung mayroon silang exemption.


Sinumang lumabag at naaresto ay mahaharap sa paglabag sa Omnibus Election Code o Batas Pambansa Bilang 881.

Ang paglabag sa election gun ban ay isang election offense na may parusang pagkaka-bilanggo ng isa hanggang anim na taon at hindi na rin papayagang humawak ng posisyon sa gobyerno at matatanggalan ng karapatan na makaboto.

Facebook Comments