Manila, Philippines – Halos kumpleto na ang multi bilyong pisong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ayon sa Department of Transportation o DOTr.
Sa kasalukuyan ang Parañaque Integrated Terminal Exchange ay sumasailalim na lamang sa finishing touches.
Sa pagpasok ng buwan ng Hulyo ang Terminal ay nasa 94.80% ng kumpleto.
Ang Integrated Terminal Exchange ay isang intermodal facility na magbibigay sa mga pasahero mula sa Cavite na tuluy-tuloy na interconnectivity patungo sa Metro Manila.
Ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (SWITX), na itinatayo sa 4-ektaryang lupain sa Philippine Reclamation Authority (PRA) property sa Coastal Road sa Tambo Parañaque City, ay magbibigay ng easy access sa ibat ibang mode of public transportation, rail networks, city buses, UV express at jeepneys para ihatid ang mga pasahero sa kanilang destinasyon.
Tinitiyak nito ang ligtas, maginhawa at hassle-free travel experience para sa commuting public.
Ang P3-billion terminal ay inaasahan na makumpleto at maging operational bago matapos ang taon.
Ang operasyon ng ITX terminals ang nakikitang mabisang hakbang upang i-decongest ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).
Isa lamang ito sa limang big-ticket infrastructure projects na pasisinayaan ng Department of Transportation (DOTr) ngayon taon.
Hindi bababa sa 85 provincial bus terminals ang nag-operate sa National Capital Regions (NCR), 46 ay matatagpuan sa EDSA, na nakapag-aambag sa araw araw na vehicular traffic.