MATATAPOS NA | Publication period ng IRR tungkol sa deployment ng mga Pinoy household service worker sa Kuwait, magwawakas na

Manila, Philippines – Matatapos na sa July 6 ang publication period ng implementing rules and guidelines para muling mag-deploy ng mga household worker sa Kuwait.

Ayon kay POEA Admin Bernardo Olalia, tumagal ng mahigit isang buwan ang pagpapalabas nito dahil naglabas pa silang ng resolusyon na sinundan ng implementing rules and guidelines na kinailangan pa ng 15 day publication period.

Aniya, agad naman nilang ipoproseso ang mga dokumento ng mga na-hire na household workers para makaalis na sila ng bansa.


Umaasa naman ang gobyerno ng Pilipinas na hindi na mauulit ang pag-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait lalo at bago na ang mga employment contract kung saan nakapaloob na rito ang mga karapatan ng mga OFW.

Kabilang rito ang hindi pagkumpiska sa kanilang mga travel documents, karapatan sa komunikasyon, standard working hours, rest period at iba pa.

Required na rin ngayon ang mga household worker na dumaan sa training para masigurong naiintindihan nila ang trabaho, kanilang karapatan at mga batas sa bansang kanilang pupuntahan.

Facebook Comments