MATERYALES AT TULONG PINANSYAL, PATULOY NA IPINAMAMAHAGI SA MGA NASALANTA NG BAGYONG EMONG

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng relief supplies, cash assistance at materyales sa mga apektadong residente sa Bani dahil sa Bagyong Emong.

Ngayong Setyembre, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng bubong bilang materyales sa kukumpunihing bahay ng 100 pamilya matapos patumbahin ng nagdaang bagyo.

Ilan din ang tumanggap ng shelter grade tarpaulin sheets o tarapal bilang pansamantalang matutuluyan habang itinatayong muli ang mga nasirang kabahayan.

Humihingi naman ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan sa mga hindi pa nabibigyan ng tulong dahil sa pagsisikap na makahanap pa ng maraming sponsor o mapagkukunan.

Bukas ang opisina ng MSWDO upang makapagpalista ang mga nasalanta na may partially, totally o severely damaged na bahay dahil sa bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments