Manila, Philippines – Matibay ang ebidensya ng forensic team ng Public Attorney’s Office na hindi lehitimong operasyon ng PNP ang nangyari sa pagkapapatay kay Richard Santillan, ang driver-bodyguard ni dating Cong. Glenn Chong.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, head ng forensic team ng PAO, base sa kanilang re -autopsy sa labi ni Santillan, lumabas na nagtama ito ng 18 tama ng bala ng baril, at 63 injuries.
Hindi rin aniya consistent o tugma ang posisyon nito sa loob ng kotse para tanggapin ang lahat ng tama ng bala at injuries.
May mga baling buto rin aniya si Santillan, bukod sa palo sa ulo at mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay Erfe, dalawang klase ng injuries ang tinamo ni Santillan.. isa rito ay nung buhay pa siya, at ang ibang injuries ay tinamo niya noong siya ay patay na.
Taliwas aniya ito sa report ng Highway Patrol Group ng Rizal na kumaripas si Santillan kaya siya pinaputukan ng mga otoridad.