NILINAW | DA, inanunsyo na wala nang mabibiling P27 per kilo na NFA rice sa unang bahagi ng 2019

Manila, Philippines – Mawawala na sa 2019 ang NFA rice na P27 at P32 sa mga pamilihan sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa kaniyang year-end report.

Ayon kay Piñol, hindi na realistic ang naturang mga presyo sa kasalukuyang estado ng pamumuhay.


Sa 2019 ay ititigil na ng gobyerno ang pagiimport ng bigas sa ilalim ng Rice Tarrification law

Aniya, sa 2nd quarter ng 2019 ay magiging P35 at P36 na ang pinakamurang bigas na mabibili sa merkado.

Kung sakali naman na di kakayanin ng publiko P35 at P36 ay isa subsidize ito ng gobyerno sa ilalim ng rice competetiveness enhancement fund

Mamomonitor pa rin naman ang pagsasamantala ng mga rice retailers sa pamamagitan ng SRP o suggested retail price sa bigas.

Facebook Comments