Matibay na kooperasyon sa pagitan ng ASEAN, China para sa COVID-19 vaccine, isinusulong ni Pangulong Duterte

Isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matibay na kooperasyon sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China para sa pag-develop, pagbili at pamamahagi ng abot-kayang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa ang Pangulo na tutuparin ng China ang pangako nitong kabilang ang mga bansa sa ASEAN sa unang makakatanggap ng bakuna.

Mahalaga rin ang kontribusyon ng China lalo na sa pagtulong nito sa pandemic response.


Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang commitment ng ASEAN na magkaroon ng buo at epektibong pagpatutupad ng 2002 Declaration of the Conduct of Parties sa South China Sea.

Facebook Comments