Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malakanyang ang paglalagay ng Duterte action desk sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang major airports sa buong bansa.
Ayon kay Recto, ang nabanggit na presidential action desk ay magsisilbing “on-the-spot troubleshooting center” para sa anumang magiging problema ng halos 50 milyong mga pasahero sa mga paliparan sa bansa.
Ito ang nakikitang paraan ni Recto, para maipaparating agad kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapalpakan sa mga paliparan.
ang mungkahi ni Recto ay sagot din sa mga kaso ng pagnanakaw sa bagahe ng ilang airport passengers.
Naniniwala si Recto na ang paglalagay ng desk na may presidential seal ay isang matinding babala laban sa mga nagnanais gumawa ng kalokohan o anumang uri ng iregularidad sa mga paliparan.