Nagbabala ang International Labor Organization (ILO) sa mga manggagawa sa posibleng epekto ng matinding init ng panahon sa pag-iisip.
Sa isang pahayag, isinaad ng ILO na bukod sa banta ng heat stroke at heat stress, ang mga antas ng sweltering heat index ay maaaring mag-trigger ng stress, anxiety, depression, substance abuse, PTSD (post-traumatic stress disorder), at suicide.
Dagdag pa ng ILO, ang matinding init na nararamdaman ng mga empleyado ay maaaring magdulot ng tensyon sa kanila.
Kung saan maaaring makahadlang sa kakayahang gumawa ng mahahalagang desisyon na may kaugnayan sa trabaho.
Batay sa pag-aaral ng ILO, tinatayang higit sa kalahati ng 3.4 billion global workforce o 2.4 bilyong manggagawa ang posibleng nae-expose sa sobrang init ng panahon habang nagta-trabaho.
Kaakibat nito, pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na gumawa ng mga patakarang maaaring makatulong sa kanilang pinagtatrabahuan na maibsan ang matinding init ng panahon.
Kabilang sa mga ito ay ang pagbibigay ng sapat na bentilasyon, pagsasaayos ng mga rest breaks at work locations, at ang paggamit ng mga unipormeng naaangkop sa temperatura at personal protective equipment.