PBBM, dinepensahan si FL Liza Marcos sa naging pahayag nito laban kay VP Sara

Dinepensahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si First Lady Liza Araneta Marcos matapos nitong maglabas ng sentimyento sa mga kritiko at maging kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na hindi kasi sanay sa pulitika ang first lady dahil hindi ito galing sa pamilya ng mga pulitiko, hindi tulad nila na sanay na sa mga pang-iinsulto.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, mukhang kailangan pang matuto ni First Lady Marcos na magpalagpas ng masasakit at maaanghang na salita.


Hindi niya rin aniya ito masisisi kung sumama ang loob sa mga hindi magagandang sinasabi laban sa kanila.

Gayunpaman, natutuwa ang pangulo at maswerte raw siya na very protective sa kanya ang kaniyang asawa.

Umaasa naman ang pangulo na hindi didibdibin ni VP Sara ang isyu dahil ipinagtatanggol lamang siya ng first lady.

Facebook Comments