Manila, Philippines – Inihain ngayon ni Senator Joel Villanueva ang senate bill 1492 o Act Penalizing Malicious Distribution of False News.
Itinatakda ng panukala ang pagpapataw ng kulong na hanggang hanggang limang taon at multang mula P100,000 hanggang P5,000,000 sa sinumang o mga kumpanya na magpapakalat ng maling balita o impormasyon sa pamamagitan ng print, broadcast o online at social media.
Giit ni Villanueva, napapanahon ng gumawa ng batas laban sa fake news dahil nagagamit na ito para manakot at propaganda para siraan ang isang indibidwal tulad ng mg public officials.
Kung ang lumabag ay isang public official, doble ang ipapataw na parusa at maaring ma-disqualify sa anumang posisyon sa gobyerno.
Multa naman na mula 10 hanggang 20 milyong piso at pagkakaulong na mula 10 hanggang 20 taon ang ipapataw sa alinmang media enterprise o social media platform na mabibigong pigilan, o alisin ang mga fake news.