Pangulong Duterte, mabuti na ang kalagayan matapos sumemplang sa motorsiklo

531
Presidential Photo

Bahagyang nasaktan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumemplang sa sinasakyang motorsiklo, Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Senador Christopher “Bong Go”, naganap ang maliit na aksidente sa Malacañang Complex.


Anang Go, nakaramdam ng pananakit sa baywang at balakang si PRRD na kasalukuyang nagpapahinga sa Bahay Pagbabago at nakatakdang magpakonsulta sa doktor upang malaman kung may tinamong injury.

Pinayuhan na din ng mambabatas na sa scooter na lamang sumakay si PRRD para iwas-disgrasya.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maayos na ang kalagayan ng pangulo.

“I would like to assure the nation that the President is safe in good hands and in good health,” saad ng Presidential Chief Legal Counsel.

Aniya, hindi maapektuhan ng aksidente ang mga nakalinyang aktibidad ni Duterte ngayong linggo.

Facebook Comments

From Advertisers