CAUAYAN CITY- Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos makapagtala ng ilang kaso ng African Swine Fever sa probinsya.
Kabilang sa kanilang ginawa ay ang paglalagay ng karagdagang check points sa entry at exit points at pagsuri sa mga dugo ng baboy na papasok sa kanilang lugar.
Ayon kay Dr. Patricio Moreno, apat na bayan ang naapektuhan ng ASF sa kanilang lalawigan na kinabibilangan ng Santa Fe, Aritao, Dupax del Sur at Bambang.
Aniya, mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ay nakapagtala ng kabuuang 594 kaso ng ASF kung saan 35 rito ang apektado.
Samantala, binigyang paalala naman ang mamamayan ng Nueva Vizcaya hinggil sa watwat o pagkain ng nilagang karne dahil maaaring ito ang dahilan ng pagkalat ng virus lalo na at hindi ito dumaan sa slaughter house.